Skip to main content

Wedding Speech Book- Tips Sa Pagsulat



Ang wedding speech book ay isang compilation ng iba ibang wedding speeches na ibinibigay ng ilang mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan ng ikakasal.
Tips to Write A Wedding Speech Book
Ang aklat ay parehong mula sa nakalilibang na mga alaala at hinggil sa background ng ikinasal. Ang speeches ay puwedeng ordinaryo hanggang sa makabagbag-damdamin, emosyonal hanggang sa nakatatawa hanggang sa nakagugulat o nakagugulantang.

Ang pagsasaliksik ng speeches para sa bridal couples ay susi para sa pag format ng maayos at interesting na klase ng aklat.

  1. Makipag-usap sa banquet managers at ipaalala sa kanila ang iyong book writing idea. Mag-request ng mga impormasyon para sa mag-asawa para sa kanilang nalalapi na wedding.
  2. Kontakin ang couples at humiling ng permiso na dumalo sa simula ng kanilang wedding reception at itala ang wedding toasts at speeches.
  3. Mag-request ng maigsing biography hinggil sa couple at kung paano sila nagkakilala o kapanayamin ang ikinasal na saliksikin ang kanilang pagliligawan at iba pang basic history ng kanilang background.
  4. Kontakin ang magbigay ng speech matapos ang kanilang toast mag-request ng hard copies ng kanilang speeches para sa iyong reference. Magdaos ng maigsing panayam para sa bawat isa para mai-record ang follow-up reactions at quotations.
  5. Sumulat ng preface o panimulang salita bawat toast na magbibigay ng maigsing pananaw hinggil sa couple at sa magbibigay ng pananalita. Sundin ang background information sa aktwal na speech o toast. Tapusin ang reactionary quote mula sa nagbigay ng speech at sa bridal couple.
  6. Tipunin ang lahat ng speeche, panayam at background information, ayusin sa bawat chapter. Bigyang tanda ang lahat ng chapter ayon sa tema o estilo tulad ng emosyonal, katatawanan, kahihiyan at kasiyahang eksena.
  7. Ilista ang lahat ng note of thanks sa lahat ng bridal couples na dumalo maging ang best wishes para sa mahaba at masayang buhay pag-aasawa sa panimula ng aklat.
Ibilang din ang sariling personal na reflections maging ng reaksyon sa panahon na iyon inilaan sa kasalan sa ikinasal at makinig sa kanilang mga pananalita. source: bulgar


Basahin din: Pagpili Ng Live Band Para Sa Wedding



Bookmark and Share


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...