Skip to main content

Tips at Kakaibang Diet Para Magka-Baby



Pangarap ng mag-asawa lalo na ng isang babae ang magkaroon ng anak. Fulfillment kung maituturing ang kaganapang ito sa kanilang buhay. Nakalulungkot mang isipin, may ibang mga tao na nagagawang ipalaglag ang walang kamuwang-muwang na sanggol dahil sa maraming salik, habang ang karamihan naman ay halos hindi na mabilang ang kanilang dasal na ginawa na umabot na rin sa pagsayaw sa Obando para lamang magkaroon ng supling. Isa ka ba sa kanila?

Tips and Diet For Woman Who Wants To Get Pregnant
Kung oo ang iyong sagot, tiyak na matutuwa ka sa magandang balita na hatid namin sa'yo.

Kung wish mong magka-anak at ikaw ay susubok ng method na tinatawag na In Vitro Fertilization o IVF o 'yung proseso kung saan ang egg ay nape-fertilized sa labas ng katawan, mas magiging epektibo ito kung sasabayan mo ng Mediterranean-style diet na mayaman sa avocado at olive oil, ayon sa mga expert.

Natuklasan kasi na ang pagkaing naglalaman ng maraming monounsaturated fat na makikita sa mga fleshy green fruit, olive oil, peanuts at kasoy ay kayang triplehin ang tsansang mabuntis ang isang babae. Maliban dun, kahit hindi ka sasailalim sa IVF, sure pa rin na magdadalantao ka sa natural na paraan.

Dagdag pa rito, kung nais mo talagang magbuntis, pinapayuhan ng mga ekspert na bawasan o hangga't maaari ay tigilan ang pagkain ng may mga saturated fat na present sa mga dairy product at red meat. Naapektuhan kasi nito ang pagiging fertile ng isang babae, habang sa lalaki naman ay nali-link sa mababang sperm cells. Ang mga dalubhasang nasa likod nito ay naniniwala na ang mga monounsaturated fats na kilala rin na nagpapababa ng tsansa ng heart disease ay kayang ma-improve ang fertility sa pamamagitan ng pag-lower ng inflammation sa katawan. Ikaw, gusto mo bang magka-anak? Try mo na. source:Bulgar Tabloid

Like mo ito katoto Tips at Kakaibang Diet Para Magka-Baby? Share na. 


Bookmark and Share




Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...