Skip to main content

Beauty Tips Ngayong Rainy Season



Beauty Tips-Tuwing rainy season, hindi maganda ang gumamit ng makapal na make-up dahil malakas ang tsansa nitong mabura at kumalat sa mukha. Kaya mas maigi kung light make-up lang ang iyong gagamitin.

Gumamit ng water proof mascara, liners, foundation at transfer resistant lipsticks kung talagang kailangan mo. Pero heto ang ilang tips para mapanatili ang iyong ganda kahit bumubuhos ang ulan.

  1. Maghilamos at linisin ang mukha ng lubusan. I-rub ang ice cube sa iyong mukha sa loob ng 5 hanggang 10 minuto upang mabawasan ang pagpapawis. Tiyak na kapag naglagay ka ng make-up, ito ay mananatiling matagal.
  2. Ang mga kababaihang may oily skin ay pinapayuhang gumamit ng astringent habang ang mga may dry hanggang sa normal skin ay puwedeng gumamit ng toner matapos ang pagra-rub ng yelo upang mapalamig at manatiling fresh ang balat.
  3. Iwasang gumamit ng foundation at ihanda ang base ng iyong make-up gamit ang pulbos.
  4. Ang light brown beige, pastel o pink cream na eye shadow ay puwedeng gamitin kasama ng makapal na eyeliner at waterproof mascara.
  5. Ang soft matte lipsticks ay mas magandang tingnan sa mga babae tuwing tag-ulan. Pero kung wala ka nito, maaari kang gumamit ng soft brown o pink shade na may kasamang sheer gloss.
  6. Huwag kalimutang gumamit ng water based moisturizers tuwing tag-ulan upang maiwasan ang pagkakaroon ng oily skin, acne at kawalan ng tubig dahil sa pagpapawis. 
  7. Panatilihing simple ang iyong hairstyle. Ang mga detalyadong hairstyle ay mas mahirap panatilihin at gawin kung sakaling ito ay mabasa, hindi rin ito magandang tignan.Sa halip, puwede kang mag-bangs at layered hairstyle.
  8. Ang makikinang na alahas ay uso tuwing tag-ulan. Bukod dito, maaari ka ring gumamit ng stone studded jewelry. 
  9. Kung gusto mong mag-blush, panatilihin mo lang itong manipis at siguruhing naka-blend ng maayos. Pwede kang gumamit ng cream blush na kauri ng kulay pink,peach at brown.
  10. Panatilihing nasa ayos ang iyong kilay ngayong tag-ulan sa pamamagitan ng pagbubunot ng mga sobra at paggamit ng hair gel imbes na eye-brown pencil. 
  11. Regular na basain ang iyong buhok at masahihin ang anit upang maiwasan ang pagkakaroon ng dandruff at iba pang problema sa buhok.
  12. Iwasan ang paggamit ng denims ngayong tag-ulan. Sa halip magsuot ng light cotton fabrics, capri pants at three fourths.
  13. Ang payong at rainy coats ay nasa fashion pa rin. Siguraduhing ang bibilhing payong at rainy coat ay masayang kulay.
  14. Iwasan ang magsuot ng puti dahil dumihin ito. source: Bulgar





Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...