Skip to main content

Tips Sa Sakit Na Herpes Zoster



Ang tinatawag na Herpes Zoster ay isang sakit ng ating "sensory nerves na dala ng "Varicella zoster virus" na nagdudulot ng bulutong tubig o chicken pox.
Tips To Cure Herpes Zoster "Shingles"
Mas kilala ang herpes zoster sa pangalang "Shingles" at madalas na magkaroon ng sakit na ito ang mga adult kaysa sa mga bata. 

Ito ay nagsisimula bilang mapupula at alsadong area sa balat, nagtutubig ito sa loob at nagdidikit, pumuputok at naglalangib. Ang rash na ito ay nakikita lamang sa isang lugar o panig ng dibdib,likod, batok o sa tiyan.

Sa unang encounter natin sa varicella virus, bulutong-tubig (chicken pox) ang nakukuha natin at ito ay hindi na nauulit pa subalit, sa susunod na encounter natin sa varicella virus, Herpes Zoster na ang lalabas at ito ay depende sa ating immune system. 

Kapag ang isang tao ay na-expose sa isang taong may Herpes Zoster at hindi pa ito nagkakabulutong tubig, puwede itong mahawa at magkaroon ng bulutong tubig.

Masakit at makirot ang Herpes Zoster sanhi ng iritasyon ng apektadong nerve sa ilalim ng balat. Sadyang makirot ito kaya nahihirapan ang mga matatandang apektado nito.

Ang rash ay nawawala makalipas ang dalawang linggo subalit ang kirot sa ugat ay maaaring magpatuloy sa loob ng maraming linggong susunod pa.

Walang tiyak na gamot sa herpes dahil ito ay dala ng virus.

Kaya madalas ay pampakalma lamang ang ibibigay tulad ng analgestics o kaya naman ay pampaalis ng kati (anti-histamine drugs) at pampatuyo ng langib (calamine lotion)

Ang ibinigay sa iyo na KMn04 (potassium permanganate solution) ay pang dressing lamang at ang Doloneurobion ay bitamina para sa ugat.

Bihirang maulit ang atake ng Herpes Zoster sa isang tao. source: Bulgar:Sabi ni Doc-Shane Ludovice M.D

Bookmark and Share


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...