Skip to main content

Tips Mga Pagkain Para Magkaroon Ng Healthy Hair



Nais mo bang malaman kung anu-ano ang mga pagkain na dapat mong kainin para maging malusog ang iyong buhok? Ito ang ilan sa pagkaing mahusay para magkaroon ng healthy hair:

Tips For Healthy Hair

  1. Itlog. Ang mga ito ay punumpuno ng biotin, B vitamin na mahusay para sa maayos na kondisyonng anit. Ang kakulangan sa naturang bitamina ay nagbubunsod sa marupok na buhok. Iba pang high-biotin foods na kinabibilangan ng peanuts,almonds,salmon,low fat cheese at avocado.
  2. Banana. Ang regular na pagkonsumo ng saging, beer, oats at pasas ay nagtataglay ng mineral na silica na tinatayang mabuti para manatiling makapal ang hibla ng buhok.
  3. Mabeberdeng gulay. Ang spinach,brocolli ay ilan lamang sa mga gulay na punumpuno ng Vitamins A at C na nakatutulong upang makapag-produce ng sebum --- scalp oil na nagsisilbing natural hair conditioner.
  4. Talaba. Ang laman-dagat na ito ay mayaman sa zinc, isang mineral na nakatutulong upang mapabuti ang produksiyon ng androgens. Hormones na nagpapalayo sa banta ng pagnipis ng buhok. Ang mga taong nagkukulang dito ay nakararanas ng pagnipis ng buhok at matinding dandruff.
  5. Kamote. Punumpuno ito ng beta-carotene, na nako-convert sa katawan sa Vitamin A na mahusay sa buhok at kutis. Ang vitamin A ay pumoprotekta laban sa nanunuyong balat at marupok na buhok na pangunahing dahilan ng dandruff. Iba pang halimbawa ay kinabibilangan ng carrots, kalabasa at asparagus. source: Bulgar

Bookmark and Share


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...